Quezon City police may bagong director

MANILA, Philippines - Pormal nang pinalitan bilang director ng Quezon City Police District (QCPD) si Chief Supt. Elmo San Diego matapos ang simpleng turn-over seremony kahapon sa Camp Karingal sa lungsod.

Si San Diego, na nanilbihan bilang director ng QCPD ng mahigit sa isang taon at baron ng Philippine National Police Academy Class 1981, ay pinalitan ni Chief Supt. Benjardi Mantele, dating hepe ng Eastern Police District.

Ang paglisan ni San Diego bilang director ng QCPD ay matapos ang pagre-retiro nito sa May 11.

Naniniwala naman si San Diego sa kakayahan ni Mantele para pamunuan ang buong hanay base na rin sa eksperyensa nito bilang pinuno ng EPD.

Samantala, nakiisa rin sa naturang programa si Mayor Sonny Belmonte na umaasang mahihigitan pa nito ang ginawa ni San Diego na mapanatili ang katahimikan at seguridad sa lungsod.

Ang QCPD ang itinanghal na Best Police District ng apat na sunod sa pamumuno ni San Diego.

Show comments