^

Metro

Campaign fee ng NPA, pinatitigil ng CHR

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinatitigil ng Commission on Human Rights (CHR) ang New People’s Army sa pangongolekta ng permit to campaign fee at permit to win fee sa mga kandidato.

Sinabi ni CHR Chair­person Leila de Lima, na kahit anong argu­ mento ang ibigay ng re­beldeng komunista ay malinaw na isang uri ng pangingikil ang permit to campaign fee at permit to win fee.

Ayon kay de Lima, ang extortion activity na ito ng mga NPA ay lantarang paglabag sa karapatan ng mga kan­didato na makapa­ngam­panya at maipali­wanag sa publiko ang kanilang plataporma. Nilalabag din umano nito ang karapatan ng mga botante na maki­lala ang mga pinagpi­pilian nilang ihahalal sa pwesto.

Hinahamon ni de Lima ang liderato ng CPP-NDF na sumunod sa mga batas, panun­tu­­nan, polisiya at ma­ging sa international con­ventions para sa ka­ra­pa­tang pantao. Pero pi­nag­sabihan din ng CHR ang gobyerno dahil respon­sibilidad umano nito na protek­tahan ang kara­patan ng mga kan­didato at mga botante laban sa pa­ngingikil ng mga rebelde.

Hindi umano sapat na kinokondena la­mang ng gobyerno ang permit to campaign at permit to win ng NPA kundi dapat na pata­tagin ang seguridad sa bansa upang maging malaya ang panga­ngam­panya ng mga kandidato ng hindi kina­kailangang mag­bayad ang mga ito.

AYON

HINAHAMON

HUMAN RIGHTS

LEILA

NEW PEOPLE

NILALABAG

PERMIT

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with