^

Metro

Bangkay ng 2 suspects sa payroll robbery ng DepEd, nahukay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na malulutas na ang kaso ng payroll robbery na nagkakahalaga ng P4.9 milyong cash ng Department of Education (DepEd) makaraang mahukay nila ang katawan ng dalawa sa hinihina­lang suspek at maaresto ang tatlo sa kasa­mahan nila sa isinagawang operasyon sa Marikina at Rizal.

Ayon kay Deputy Director for Intel­ligence Service (DDIS) Executive Officer Atty. Ross Bautista, na ang “breakthrough” sa kaso ay makaraang  lumutang ang isang saksi hinggil sa umano’y pagdukot kay Allan Bilbao, isa sa umano’y suspek sa panghoholdap, na huling nakita noong Abril 20.

Ang katawan ni Bilbao ang hinihinalang isa sa dalawang katao na nahukay ka­hapon ng madaling-araw sa Monterey Subd., sa San Mateo Rizal malapit sa boundary ng Marikina at Antipolo.

Bukod kay Bilbao, kinilala ang isa pang bangkay na nahukay sa Tumana River na isang alyas “Eric” na nagtamo din ng tama ng saksak at bala sa katawan tulad ni Bilbao.

Ayon kay Bautista, ang dalawang na­tagpuang bangkay ang hinihinalang mga suspek sa robbery payroll  ng DepEd noong Disyembre 28, 2009 sa Marikina City kung saan tinatayang P4.9 milyong cash na bonus pay para sa mga guro  ang natangay.

Matatandaan na patungo ang van ng DepEd  sa Montalban Rizal ng mga teacher upang maghatid ng payroll money nang harangin sila ng dalawang naka-motorsiklo.

Pinaputukan ng mga suspek ang sakay ng van at nagpakilalang mga police ng Antipolo saka tinangay ang cash.

Pinag-aaralan pa ng NBI ang pagsa­sampa ng kasong kriminal laban sa mga naarestong suspek at hinuhukay na rin ang nasa likod ng sindikato.

ALLAN BILBAO

AYON

BILBAO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPUTY DIRECTOR

EXECUTIVE OFFICER ATTY

MARIKINA CITY

MONTALBAN RIZAL

MONTEREY SUBD

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with