^

Metro

Kelot patay sa outing ng barkada

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23-anyos na lalaki makaraang malunod sa isang resort sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Louie Barajas, ng Bayani­han St., Brgy. CAA, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na nag-night swimming ang biktima kasama ang dalawang barkada sa Villa Ocampo Resort sa CAA Road, Pulang Lupa 2, Las Piñas. 

Ayon sa mga testigo, nakita nilang nag-inuman muna ang magbabarkada bago lumusong sa swimming pool at nagtungo sa mistulang kuweba na disenyo ng pool.    

Nang umahon umano ang dalawang barkada nito nagtaka sila kung bakit hindi nila kasunod si Barajas hanggang may babae na humingi ng tulong sa nakatalagang life guard nang matisod niya sa ilalim ng pool ang katawan ng biktima.

May teorya na maaaring nauntog sa matigas na bagay ang biktima kung saan nawalan ito ng malay at naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

vuukle comment

AYON

BARAJAS

BAYANI

BRGY

LAS PI

LOUIE BARAJAS

NAKILALA

PULANG LUPA

VILLA OCAMPO RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with