^

Metro

Dalagitang pumatay ng ginang sumuko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sumuko na  sa Manila Police District-Homicide Section ang isang 16-an­yos na dalagitang naka­pa­tay sa isang ginang ka­ma­kailan sa Ermita, Maynila.

Ang suspek ay itinago sa pangalang “Jane”, ay su­muko kahapon ng ala-1 ng hapon sa mga aw­toridad.

Matapos isailalim sa interogasyon ang dalagita sa pag-suko nito sa isang incumbent congressman sa Lungsod ng Maynila ay saka ito dinala sa MPD-homicide section upang isa­ilalim sa masusing im­bestigasyon.

Nabatid sa dalagita na nagtitinda lamang umano siya ng mga bulaklak sa ka­habaan ng Mabini st., Ermita, at balak umano siyang ibugaw ng ginang na biktima na nakilalang si Anabelle Bernales, park­ing attendant, ng Guerrero st., Ermita.

“Pilit po akong itinu­ tulak para ibugaw sa dayuhan, pero hindi ko ito gawain, nagtitinda la­mang po ako ng bulaklak kaya nagawa ko siyang saksakin.” pa­hayag ng dalagita.

Magugunita na dakong alas-11 ng gabi nang ma­ganap ang pananaksak kay Bernales sa harapan ng Amazonia Bar and Res­taurant sa panulukan ng Sta. Monica St., Ermita.

vuukle comment

AMAZONIA BAR AND RES

ANABELLE BERNALES

BERNALES

ERMITA

GUERRERO

LUNGSOD

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MONICA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with