Bahay nilooban, katulong hinalay

MANILA, Philippines - Ninakawan na, ina-buso pa saka iginapos na parang hayop ng isang kawatan ang isang ka-sambahay ma-tapos lo-oban ang tahanan ng amo ng huli sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang biktima ay iti-nago sa pangalang Maita, 23, dalaga, tu-bong-Iloilo City at nanu-nuluyan bilang house-maid sa tahanan ng isang Anthony Her-nan-dez, 30, organic em-ployee sa LTO Camp Aguinaldo at residente sa Matatag St., Brgy. Pinya-han sa lungsod.

Ang insidente ay na-batid makaraang ma-abu-tan ni Hernan-dez ang ka-tulong sa loob ng ka-nilang taha-nan na naka-gapos ang mga kamay at paa ganap na alas-9 ng umaga ilang oras ma-tapos na pa-sukin sila ng isang mag-nanakaw at tanga-yin ang isang PSP (P9,000) at isang por-table DVD (P6,000).

Nalaman ni Hernan-dez ang pangyayari ma-tapos na tumawag sa kan-yang cellphone ang kanilang kapit-bahay hing-gil sa uma-no’y la-laking pumasok sa kanyang bahay at itinali ang kan-yang katulong.

Sinasabing nala-man ng kapitbahay ang insi-dente matapos na makita nila ang limang taong gulang na anak ni Her-nan-dez na tu-matakbo papalabas ng kanilang bahay makaraang maka-takas sa suspect.

Agad umanong ti-nu-lu-ngan ng mga ka-pitbahay ang bata kung saan sinabi nito sa kanila na naiwan pa ang kanilang katulong sa kuwarto at iginapos ng isang lalake gamit ang radio cord, sanhi upang magpasya si-lang tawagan na si Hernandez at umuwi.

Nang makalagan si Maita ay ipinagtapat nito na   minolestiya at gi-na-hasa pa siya ng suspect na tumangay din ng nasabing mga gamit.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments