^

Metro

4 timbog sa drug-bust ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang Italian-American na­tional at isang umano’y dating bodyguard ng pulitiko ka­ugnay sa pagbebenta ng droga sa magkakahiwalay na entrapment operation ng National Bureau of Investiga­tion (NBI),  sa Metro Manila, sa ulat kahapn.

Iprinisinta sa media ka­hapon ni NBI Director Nestor Mantaring ang mga suspek na sina Stuart Albert, 45, dating security officer mula sa Boca Raton, Florida, USA; Jobert Gomba, 45, dating bodyguard ng isang pulitiko ng Las Piñas City; at mag-asawang sina Faisal Disomnong at Marian, kapwa residente ng Phase 2, Talon, Caloocan City.

Sa ulat  ni Atty. Ruel La­sala, hepe ng NBI Anti Illegal Drugs Task Force (NBI-AIDTF) at Intelligence Services, si Albert ay naaresto sa Banuyo St., San Antonio Village, Ma­kati City, sa isang food chain naman naaresto sa Baclaran, Pasay City si Gomba habang sa kanilang bahay sa Phase 12 Talon, Caloocan City naman inaresto ang mag-asawang Disomnong. 

Nabatid na isang impor­mante ang nagturo sa dayu­hang si Albert na nagtutulak ng tabletang Oxycodone HCL  sa mga parukyano nitong mga dayuhan din na ang hang-outs ay sa mga bar sa Makati City. Nasamsam dito ang 84 pirasong Oxycodone HCl tablets na may street value na P20,000.

Sa hiwalay na operasyon, natukoy si Gomba na nagbe­benta ng high grade cocaine na nakuha nito mula sa mga narekober ng mangingisda sa Norther Samar.

Narekober kay Gomba ang 135,9401 gramo ng high grade cocaine na nagkaka­halaga ng P675,000.

Sa ikatlong operasyon, pi­nainan ng halagang P100,000 ang mag-asawa matapos ma­tukoy ng mga awtoridad na sila ay nagtutulak ng shabu.

Nang  magbenta ang mag-asawa ng 20 gramong shabu sa nagkunwaring buyer kapalit ng P100,000 ay agad silang dinakip sa loob mismo ng kanilang bahay.

BANUYO ST.

BOCA RATON

CALOOCAN CITY

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DRUGS TASK FORCE

FAISAL DISOMNONG

GOMBA

INTELLIGENCE SERVICES

JOBERT GOMBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with