^

Metro

Pagbabalik ni Suansing sa LTO, sinuportahan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pasasala­mat ang pamunuan ng Coali­tion of Clean Air Advocates (CCAA)  at Private Emission Test Center Operators Assn  (PETCOA) kay LTO Chief Alberto Suansing dahil sa kanyang pagbabalik sa LTO ay muli nilang inuna ang pag­kilos kaugnay ng kampanya laban sa mga tiwaling private emission test centers.

Sinabi ni Herminio Bue­rano Jr., Pangulo ng CCAA, higit ang kanilang kasiyahan nang mabalik sa LTO si Suansing dahil naniniwala ang kanilang hanay na  ito ay  may political will para pilayin ang mga PETCs na nagsasa­gawa ng non-compliance at non-appearance sa kanilang operasyon.

Ilang linggo pa lang ang nakalipas mula nang bumalik si Suansing sa LTO mula LTFRB, may 40 PETCs na ang takda nitong ipasara at pagmultahin dahil sa modus operandi.

Sinabi ni Suansing na walang puwang sa kanyang tanggapan ang sinumang PETCs na magbibigay daan na mapilay ang kampanya ng LTO at DOTC para sa tagum­pay ng Clean Air Act ng pama­halaan.

“Hindi natin ito-tolerate ang mga hindi gumagawa ng maganda sa ahensiya na may dulot na epekto sa publiko lalo na sa mga motorista,” pa­hayag ni Suansing.

Kaugnay nito, masusi namang pina-iimbestigahan ni Suansing ang ulat na may nagaganap na non-appear­ance operation sa ginawang direct connect operation ng ilang Petcs diretso sa Strad­com.

CHIEF ALBERTO SUANSING

CLEAN AIR ACT

CLEAN AIR ADVOCATES

COALI

HERMINIO BUE

ILANG

PRIVATE EMISSION TEST CENTER OPERATORS ASSN

SHY

SINABI

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with