^

Metro

1 pang bebot sinalvage

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Anim na araw pa lamang ang nakalipas, isa na namang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa hinalang police asset, sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Isang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng 38-anyos na vendor na si Elenita Luantero, sinasabing may live-in partner umano na kapwa babae, ng Echague Building, Palanca St., Quiapo, Maynila.

Blangko pa rin ang pulisya sa pagkilanlan at motibo sa krimen dahil walang nais mag­salita sa lugar ng pinangyarihan.

Sa ulat ni Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng Echague Building, Palanca St., Quiapo.

Nabatid na habang naglalakad ang biktima ay bigla umanong nilapitan ng suspek at mabilisang pinuntirya ang ulo at agad tumakas matapos ang pamamaril.         

Naniniwala si C/Insp. Erwin Margarejo, hepe ng MPD-Homicide Section na maaaring pinaghinalaang police asset ang biktima kaya ito itinumba.

Inaalam din ng mga imbestigador kung iisang grupo ang may kagagawan ng pagpatay sa manikurista na kinilalang si Fe Balagtas ng Paredez St., Sampaloc, na binaril din sa mukha at noo,  sa harapan mismo ng Mosque sa Quiapo, Maynila noong Biyernes ng madaling araw na posibleng pinaghinalaan ding police asset.

ECHAGUE BUILDING

ELENITA LUANTERO

ERWIN MARGAREJO

FE BALAGTAS

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PALANCA ST.

PAREDEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with