^

Metro

Binata dedo sa rambulan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang binata ang namatay habang dalawa katao pa ang sugatan sa rambulan ng dalawang grupo ng kabataan sa isang pista sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nasawi habang nilala­patan ng lunas sa Far Eastern University hospital ang bikti­mang si Albert Maigue, 29, binata, sign painter at nakatira sa #16 Jungie St. Rolling Hills, Brgy. Kaligayahan sa lungsod.

Ginagamot din sa nasa­bing ospital ang iba pang mga biktima na sina Merylle Kitz Cayaban, 24; at Rogelio Tampos Abalos,41 na nag­tamo rin ng mga sugat sa kata­wan at braso.

Samantala, arestado na­man ang mga suspek na sina Allen Austria, 26, at tiyu­hin nitong si Ruben Austria, 53, at isang Albert Napaud, 32, ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ni PO2 Joy Marcelo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may bisinidad ng Quirino high­way ganap na alas-8:30 ng gabi.

Bago nito, sinasabing pa­punta sana sina Cayaban at Abalos sa basketball award­ing ceremony sa lugar nang ha­rangin sila ni Allen at biglang inatake sila ng saksak.

Nakita naman ni Maigue ang pangyayari dahilan para sumaklolo ito kasama ang ilang concerned citizen subalit maging siya ay sinaksak naman ng suspek.

Matapos nito, nauwi sa ram­bulan ang insidente.

ALBERT MAIGUE

ALBERT NAPAUD

ALLEN AUSTRIA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JOY MARCELO

JUNGIE ST. ROLLING HILLS

MERYLLE KITZ CAYABAN

ROGELIO TAMPOS ABALOS

RUBEN AUSTRIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with