^

Metro

3 holdaper todas sa enkuwentro

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang tatlong pinani­niwalaang mga holdaper na armado ng mga baril at gra­nada matapos ang maikling habulan at palitan ng putok ka­ugnay sa paghoholdap ng mga ito sa isang babae sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Agad na nasawi ang isa sa suspek na alyas “Jonathan”, nasa 25-30 anyos; may tas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, nakasuot ng pulang t-shirt at itim na maong pants at may tattoo sa hita. Siya ang may hawak ng isang granada na nadaganan pa niya nang bumulagta nang masapul ng tama ng bala mula sa mga pulis.

Idineklarang patay naman sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center ang kasama­hang nagtamo ng mga bala sa katawan na sina alyas “Kokoy”, may taas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, may edad sa pagitan ng 25-30 anyos, naka­suot ng puting long sleeves, khaki short pants, mahaba ang buhok at isa pang may edad na rin na 25-30 anyos, may taas na 5’6’’-5’7’’, naka­suot ng puting t-shirt at maong pants.

Kabilang sa mga rumes­pondeng pulis na nakasa­gupa ng mga holdaper sina PO3’s Froilan Lopez, at Ca­talino Cunanan; PO2’s Ruel Lester Santos, Ryan Malacad; Gregorio Lopez at Merlan Tadili, pawang nakatalaga sa MPD-Station 3.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District- Homicide Section, dakong 1:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng isang bodega sa 1665 Mayhaligue St., Sta. Cruz.

Nauna rito, hinoldap ng mga suspek ang negosyan­teng si Jocelyn Arbuyes, 41, ng 191 Quezon Blvd., Sta Cruz habang sakay siya ng motorsiklo sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue, patungo sana sa isang food chain nang harangin ng mga suspek na sakay ng puting taxi.

Lumabas ng taxi ang isa sa tatlong suspek at agad na tinutukan ang biktima ng baril at puwersahang inagaw ang kaniyang itim na shoulder bag bago sumakay muli ng taxi at tumakas.

Dahil nakamotorsiklo ang biktima, agad niyang inireport sa mga nagpapatrulyang pulis ang insidente kaya agad na hinabol ang mga suspek na inabot sa Mayhaligue St..

Nang lalapit pa lamang ang mga pulis, agad na nag­labas ng baril ang mga suspek hanggang sa nagpalitan ng mga putok kung saan agad na bumulagta ang mga ito.

Hindi na ginalaw ng mga pulis si Jonathan sa halip na dalhin din sa pagamutan dahil sa pangamba ng mga awto­ridad na sumabog ang hawak nitong granada.

Nakuha sa mga suspek ang isang itim na shoulde bag na naglalaman ng P11,000 cash, isang MK2 fragmenta­tion grenade, isang sumpak at isang kalibre 38 (Smith and Wesson).

CRUZ

FROILAN LOPEZ

GREGORIO LOPEZ

HOMICIDE SECTION

ISANG

JAY SANTOS

MAYHALIGUE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with