^

Metro

Sumabit sa estribo ng jeepney: Bagets nalaglag, patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Buhay ang naging kapalit ng pagsabit ng isang 16-anyos na binatilyo ng isang umaandar na pampa­sahe­rong jeep ng makaraang malaglag ito at masawi kamakalawa sa Barangay San Roque, Marikina City.

Patay na nang maisugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Carrt Tabilo, estudyante, re­sidente ng 06 General Mo­lina street, Barangay Parang ng naturang lungsod.

Pinaghahanap at ina­alam pa ng pulisya ang pag­ka­kakilanlan sa tumakas na driver ng pampasaherong jeep na hindi rin naplakahan.

Sa ulat ng Marikina Police, naganap ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Gil Fer­nando Avenue, Barangay San Roque.

Nabatid na nakasabit ang biktima sa naturang jeep na may biyaheng pa-San Ma­teo nang biglang malaglag ito sa behikulo at mabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

Rumeponde naman ang mga nagmagandang-loob na taumbayan at opisyal ng barangay na nagsugod sa biktima sa pagamutan ngu­nit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Nanawagan naman ang Marikina police sa suspek na kusang-loob na sumuko upang hindi na madagdagan ang kaso nito habang nanawagan rin sa mga pasahero ng naturang jeep na makipagtulungan sa ka­nila at ituro ang driver upang mabigyan ng katarungan ang binatilyong nasawi.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BARANGAY PARANG

BARANGAY SAN ROQUE

CARRT TABILO

GENERAL MO

GIL FER

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

SAN MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with