^

Metro

Naistranded na dayuhan inilibre ng BI sa multa

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Pumayag ang Bureau of Immigration na huwag pagbayarin ng multa ang daan-daang overstaying na European sa bansa na naistranded sa Ninoy Aquino International Air­port nang ilang araw na dahil sa pagputok ng bulkan sa Iceland.

Ayon kay Atty. Nor­man Tansingco, BI Chief of staff, nagdesisyon na si Commissioner Marce­lino Libanan na huwag nang pagbayarin ng multa ang mga Schen­gen visa holders base na rin sa kahilingan ng con­cerned European govern­ments sa pamamagitan ng ka­ nilang embahada sa Maynila.

Pinabatid naman ng embahada ng Europa kay Libanan na susuklian nila ng makataong pa­raan ang ginawa nito na i-waive ang multa ng mga Filipino tourists na over­stayed na sa Pilipinas dulot na ring eruption.

Nilinaw naman ni Tan­singco na walang dahilan ang BI upang hindi pag­big­yan ang ka­hilingan dahil hindi naman kasala­nan ng mga dayuhan na mag-overstayed sila sa Pilipinas.

Habang ginagawa ang balitang ito, nabatid na nanumbalik na ang mga flights patugong Europe matapos na kumalma ang bulkan sa Iceland na nagbuga ng abo kaya nagdilim ang himpapawirin sa Europe dahilan upang kansela­hin ang lahat ng operas­yon ng airlines dito.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCE

HABANG

LIBANAN

MAYNILA

NILINAW

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIR

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with