Manilenyo nalulugod kay Razon
MANILA, Philippines - Ang desisyon ni Manila mayoralty candidate Sonny Razon na tumutok lang sa mga isyu at programa ay labis na kinalulugdan ng mga botante ng lunsod na naiirita na sa personal na awayan ng dalawa sa kanyang mga katunggali sa lokal na halalan.
Ito ang inihayag kahapon ng hepe ng political organization ng Razon for Mayor movement na si dating konsehal Ernesto Dionisio na nagsabi pa na mas interesado ang mga Manilenyo na pag-usapan ang mga isyu at ibang usapin sa kanilang lunsod at sa mga konkretong programang magpapabuti sa kanilang kalagayan.
Sa halip na magsagawa ng mga rally at motorcade, mas pinili ni Razon ang house-to-house sorties at town-hall type meeting para makausap niya nang harapan ang mga botante, pakinggan ang kanilang problema at ipaliwanag ang kanyang plataporma de gobyerno.
Ilan sa mga nakakasalamuha ni Razon ay nasisiyahan na nakakausap nila ito at naglalaan siya ng oras para makausap sila.
- Latest
- Trending