Mas hi-tech na LTO, target sa ika-98 na anibersaryo
MANILA, Philippines - Target ng Land Transportation Office (LTO) sa kanilang ika-98 taong anibersaryo na mas lalo pang mapaunlad ang kanilang teknolohiya at mabigyan ng magandang serbisyo ang may anim na milyong motorista sa bansa.
Sa temang “LTO at 98 Getting Stronger Through the Years” ipinagmamalaki ng LTO ang kanilang pagiging fully automated kung saan sa pamamagitan ng tinatawag na Build Own and Operate ay naging computerized ang dating manual system ng LTO sa tulong ng Stradcom Corp. nang walang ginastos ang gobyerno. Dahil sa computerization system ay mabilis na ang proseso ng mga transaksiyon sa LTO tulad ng pag-renew at license applications gayundin ang motor vehicle registrations na maaari nang gawin kahit saang lugar sa bansa at ito ay tatagal lamang ng 5-10 minuto gamit ang teknolohiyang Radio Frequency Identifciation (RFID).
Plano ng nabanggit na ahensiya na magkaroon ng Online Driver’s License Re newal and Delivery of Driver’s License kung saan sa pamamagitan ng online application o tawag sa telepono ay maaari nang mai-deliver sa bahay ng apli kante ang kanilang lisensiya.
- Latest
- Trending