^

Metro

Mag-live-in na sinalvage, pinaghinalaang informer

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naglunsad ng manhunt ope­ration ang Taguig City police upang madakip ang isang kilabot na kriminal na itinuturo ngayon na utak sa pag-salvage sa mag-live-in na ibinalot sa tarpaulin at sirang air bed na pinagka­malan umanong “police informer”.

Itinuro ng mga kaanak ng mga biktimang sina Jimboy Salditos, 20; at kalive-in na si Angeline Ann Cuison, 19, ang suspek na si Mark Anthony Sor­bito na siyang may kaga­gawan umano sa naturang krimen. 

Sinabi ni Taguig po­lice chief, Sr. Supt. Camilo Casco­lan na nahaharap sa mga kasong murder, robbery hold-up, coercion at arbitrary de­tention si Sorbito sa iba’t ibang korte dahil sa kanyang mga nagawang krimen.

Ayon pa sa mga kaanak ng mga biktima, pinaghihi­nalaan umano ni Sorbito ang mag-live-in na mga police in­former at kamakailan lamang ay nagbanta pa sa dalawa na may masamang mangyayari sa mga ito.

Sa ginawa namang imbes­ti­gasyon ni PO2 Christopher Flores ng Station Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, may dalawa umanong lalaking naka-motorsiklo ang nagtu­ngo sa bahay ng mga biktima noong Martes ng gabi at nag­papatulong na ibenta ang dala nilang laptop kapalit ng pag­bibigay sa kanila ng por­siyento.

Umangkas umano ang mag-live-in sa dalawang motorsiklo upang dalhin ang mga ito sa kilala nilang buyer ng laptop subalit hindi na nakauwi ang mga ito hang­gang matagpuan na ang bangkay sa gilid ng C-5 Road na may mga tama ng bala sa katawan.

ANGELINE ANN CUISON

CAMILO CASCO

CHRISTOPHER FLORES

JIMBOY SALDITOS

MARK ANTHONY SOR

SHY

SORBITO

SR. SUPT

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with