^

Metro

QCPU graduates madaling magkatrabaho

-

MANILA, Philippines - Patok ang mga graduates ng Quezon City Polytechnic Univer­ sity (QCPU) sa tumataas na de­mand ng manggagawa sa Infor­mation Technology at Entre­pre­neurial Management sa bansa.

Ito ang pinatunayan ng dala­wang estudyante na nagtapos sa QCPU nitong nakaraang graduation day kung saan agad silang kinuha ng dalawang malaking kumpanya bilang empleyado.

Ang LTC Multi-Services Inc., isang Makati-based manpower agency na may kliyente ng nagla­lakihang mga banko sa bansa ang nag-alok kina Roy S. Minorca at Mary Preseed Grace B. Acayang ng trabaho sa PS Bank at Fuji Xerox Phils.

Si Minorca na nakatapos ng Entrepreneurial Management ay kinuha bilang officer staff sa PS Bank samantalang si Aca­yang na nagtapos naman ng Information Technology sa na­sabing unibersidad ay bilang IT-related staff sa Fuji Xerox Phils.

Bukod dito, nag-aalok din ang Metrobank at Rizal Com­mer­cial Banking Corp. ng tra­baho sa mga nagsipagtapos sa QCPU. Ang demand sa trabaho sa mga QCPU graduates ay dahil sa proyektong IROG (Industry Response to Out­standing Graduates) na inilun­sad ng QC government nga­yong taon upang maengganyo ang mga kumpanya na kunin bilang manpower force nila ang mga graduates ng QCPU.

Sa nakaraang graduation rites ng QCPU iginiit ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang ka­gustuhan ng pamahalaang lungsod ng Quezon na tugunan ang mga skills development needs ng mga estudyante ng QCPU upang makatugon sa pangangailangan ng techno­logy-driven age ngayon.

“Our investment in building up your knowledge will be your own seed investment in better future, make sure that this in­vest­ment grows,” ani Belmonte.

BANKING CORP

ENTREPRENEURIAL MANAGEMENT

FUJI XEROX PHILS

INDUSTRY RESPONSE

INFORMATION TECHNOLOGY

MARY PRESEED GRACE B

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

MULTI-SERVICES INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with