^

Metro

Nasawing misis ng pulis, biktima ng 'Ipit-taxi'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng Manila Police na ang notor­yus na ‘Ipit-taxi gang’ ang nasa likod ng pagkamatay ng maybahay ng isang pulis-Maynila na teller sa isang banko, na natagpuang naka­bulagta sa Elliptical Road, sa Baseco Compound noong Lunes ng hatinggabi.

Dahil dito, nagbabala ang pulisya sa publiko na dapat maging maingat sa pagpili at pagsakay sa mga taxi na may modus-operandi na pasukin ang nag-iisang pasahero ng mga kasabwat ng driver at kadalasang automatic ang lock ng pinto ng taxi.

“Iniipit nila ang pasahero na bibiktimahin, hoholdapin at kung pumalag saka pina­patay. Ang control kasi ng auto­matic na lock ng taxi, nasa driver kaya walang maga­gawa ang pasahero kung bubuksan ang lock, sa oras na sasakay na ang mga kasabwat na ‘Ipit-taxi gang’,” anang pulisya.

Sa dalawang araw na isi­nagawang follow-up opera­tion, kasama sa tumutugis sa di-kila­lang mga suspek sa pag­patay kay Jennifer Lugtu, ang mister nitong si PO2 Jovan Lugtu, ng MPD-Station 4.

Nakita sa pagsusuri na sinakal si Lugtu na siyang naging dahilan ng kamatayan nito,  bago itinapon sa madilim na bahagi ng nasabing kalye.

Patuloy pa rin ang im­bestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

DAHIL

ELLIPTICAL ROAD

INIIPIT

IPIT

JENNIFER LUGTU

JOVAN LUGTU

LUGTU

MANILA POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with