^

Metro

Mag-live-in, sinalvage!

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinatay at saka magka­samang itina­pon ang mga bangkay ng magka-live-in na kapwa ibinalot sa isang sirang airbed, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Kapwa may mga tama ng bala ng hindi pa batid na ka­libre ng baril sa ulo, kamay at katawan ang mga biktimang sina Jimboy Sal­ditos, 20; at ka-live-in nitong si Angeline Ann Cuison, 19, residente ng GHQ Katupa­ran, Taguig City.

Ang bangkay ng dalawa ay nadiskubre ng 54-an­yos na si Donato Salazar da­kong alas-5:45 ng mada­ling-araw habang naglala­kad sa na­turang lansa­ngan.

Ayon kay Taguig City police chief Sr. Supt. Ca­milo Cascolan, positi­bong kinilala ng kani-kanilang mga kapatid na sina Marian Cuison at Chris­topher Sal­ditos ang mga biktima ma­tapos dalhin ang kanilang bangkay sa Loreto Funeral upang doon isagawa ang pag-awtop­siya.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, dakong alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ni Salazar, ang naturang sirang airbed sa gilid ng C-5 Road, Southbound, Heritage Park, Brgy. Pinag­sama, ng natu­rang lung­sod. 

Dito nakita ni Salazar ang nakalawit na paa ng tao sanhi upang humingi ito ng saklolo sa mga awto­ridad.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operation (SOCO), nabatid na naka­balot sa asul/orange na tarpau­lin ang bang­kay ni Cuison habang naka­pasok naman sa loob ng isang sako ang biktimang lalaki saka kapwa ibinalot sa sirang airbed.

Narekober naman sa bulsa ng shorts nito ang isang cellphone na walang charge, sari-saring mga abubot sa katawan at mga barya habang isang kulay itim/puting sombrero at tsinelas ang narekober sa bangkay ng biktimang lalaki.

Isinasailalim pa sa im­bestigasyon ng pulisya ang mga kaanak ng mga na­sawi upang mabatid kung may nakaaway ang mga ito bago ang pamamaslang.

ANGELINE ANN CUISON

DONATO SALAZAR

HERITAGE PARK

JIMBOY SAL

LORETO FUNERAL

MARIAN CUISON

SALAZAR

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with