MPD official, 1 pa nasa hot water

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Manila Mayor Alfredo Lim  ang reklamo ng mga residente ng Dagupan Extension sa Tondo ukol sa umano ay paggamit ng isang opisyal ng MPD at ta­uhan nito sa kanyang po­sisyon upang mag-imbento ng kaso upang makapangikil lamang.

Inatasan ni Lim si  Sr. Supt. Alex Gutierrez, district direc­torial staff chief ng MPD,  upang  siyasatin ang reklamo laban kina PO3 Jason Mag­bitang  ng anti-illegal drugs unit   at hepe ng  MPD-Station 7 na si Supt. Romeo Se­danto dahil sa umano’y gi­nawa nitong pag-aresto sa ilang residente nang wala namang kaso at pagka­tapos ay hinihingan lamang ng pera kapalit ng kalayaan nito at hindi pagkakaroon ng kasong drug use o possession.

Kasabay  nito, nagbabala  si Lim sa mga kapulisan na huwag gamitin ang kanilang mga uniporme o awtoridad upang mang-api ng mga ino­senteng sibilyan, dahil hindi umano niya ito papaya­gan sa Maynila hang­ ga’t siya ang nakaupong alkalde.

Dininig ni Lim ang reklamo ng mga residente hinggil sa maling paraan ng pag-aresto kay Ricardo Soller bunsod ng drug charges ni Magbitang  na inireport naman  nito kay Se­dan­to. Gayunman, sinabi naman nina  Soller, Cabrera at mga residente na nitong naka­raang Sabado na kina­ka­lad­kad umano ni Magbitang si Soller na noon ay kanyang ina­aresto sa hindi malinaw na kaso.

Sinabi ni Soller kay Lim na noong Oktubre 2009 ay ina­resto na din siya ni Magbitang dahil sa paggamit ng iligal na droga kung saan hiningan umano siya ng P70,000 ka­palit ng kalayaan at kawalan ng kasong isasampa laban sa kanya. Ang naturang pera ay ibinigay umano ng kan­yang kamag-anak sa dalawang pulis sa loob mismo ng istas­yon ng pulis.

Show comments