MANILA, Philippines - Nadiskubreng nakatimbuwang at wala nang buhay ang isang kawani ng banko na misis ng pulis-Maynila, sa bahagi ng Baseco compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nabatid na nadaanan lamang ang bangkay ng biktimang si Jennifer Lugtu, cashier sa banko at misis ni PO2 Jouan Lugtu, ng MPD ng isang Lanie Villegas na nakahandusay sa kalye, dakong alas-12 ng hatinggabi sa Elliptical Road, Baseco, sa likuran ng Fort Santiago.
Nakasuot pa ng uniporme sa banko ang nasawi at suot pa rin nito ang singsing at bracelet, subalit wala na ang bag nito o anumang gamit na posibleng bitbit niya. Hindi naman umano nakitaan ng sugat o palatandaang pinatay ito at hinihinalang inatake. Posibleng may nakakita umano sa pagbagsak ng babae na sa halip na saklolohan ay ‘ineskoba’ o pinag-interesan ang bag nito na naglalaman ng kanyang cellphone, wallet at iba pa.