^

Metro

Magkaibigan nag-duelo, kapwa todas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Walang nagwagi sa du­welo ng magkaibigang nagsi­mula sa masayang inuman na nauwi sa patayan, sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Kapwa idineklarang patay sa magkahiwalay na ospi­tal, ang magkaibigang sina Manuel Geli Jr., 48, balo ng   Interior 15, Bougainvilla St., Torres Bugallon, Tondo at Norman Canete, 28, ng natu­rang lugar.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2:30 hanggang alas-3 ng ma­daling-araw sa isang eskinita sa T. Bugallon, St., Tondo.

Nabatid na ang dalawa ay kainuman ng isang Peter Lim, 45,  sa nasabing lugar at sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinuman ay nagtalo ang da­lawa na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

Naawat naman sila ni Lim habang umuwi si Canete at nagbalik na armado na ng di nabatid na kalibreng baril.

Nang mapuna ni Geli na dinikitan siya ni Canete, nag­labas na din umano ito ng na­ka­tagong baril at saka nag-duelo hanggang sa kapwa bumag­sak dahil sa mga tina­mong tama. Kapwa isinugod sa hiwalay na pagamutan ang dalawa na kapwa hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

AYON

BOUGAINVILLA ST.

BUGALLON

CANETE

GELI

KAPWA

MANUEL GELI JR.

NORMAN CANETE

PETER LIM

SHY

TORRES BUGALLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with