^

Metro

75,000 jobs naibigay ng Quezon City government

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umaabot sa  halos 75, 000 trabaho ang naipagka­loob ng Quezon City government sa mga  residente ng lungsod sa nag­daang siyam na taon.

Ito ang datos na iniulat  ng  QC Public Employment Service Office (PESO) kay QC Mayor Feliciano ‘SB’ Bel­monte sa employment pro­gram ng lung­sod na may ambag na tulong sa  pag-ahon sa kahirapan ng ma­raming residente ng lungsod.

May kabuuang 74,028 ang napagkalooban ng traba­ho sa lungsod  mula noong 2001 sa pamama­gitan ng mga isinasa­ga­wang mga job fair sa QC Hall at sa mga barangay.

Nakapagtala naman ng pagtataas sa employment rate noong 2009 kung saan umabot sa 14,000 ang nabig­yan ng hanapbuhay lalo na sa pinaka­malaking department store sa bansa, ang SM.

Nakatulong din sa pag­ha­tak ng numero sa em­ployment rate  ng lungsod  ang pagiging ICT Capital ng QC lalo pa  nang mag­bigay ang city government ng six-week free training course para sa call center operations.

LUNGSOD

MAYOR FELICIANO

NAKAPAGTALA

NAKATULONG

PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE

QUEZON CITY

SHY

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with