Paslit tinarakan ng taong-grasa
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kundisyon ang isang pitong taong gulang na batang lalaki makaraang tarakan sa sikmura ng barbeque stick ng isang taong grasa na palaboy kamakalawa ng hapon sa Barangay Tonsuya, Malabon City.
Inoobserbahan pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jhan Jhan Tovello, ng C-4 Road, Letre, Barangay Tonsuya.
Nabatid na naglalaro sa tapat ng kanilang bahay ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon nang maparaan dito ang hindi nakilalang taong grasang palaboy at walang sabi-sabing tinarakan ng BBQ stick ang paslit.
Nagpapalahaw naman ng iyak ang bata na sinaklolohan naman ng mga kaanak nito at agad na isinugod sa pagamutan. Nakumpirma na isang palaboy na maaaring wala sa sarling katinuan ang may kagagawan ng pananaksak base sa mga pahayag ng mga nakasaksi.
- Latest
- Trending