Totoy todas sa 'kendi' ng kandidato

MANILA, Philippines - Isang apat na taong gulang na batang lalaki ang namatay nang ma­sa­gasaan at magkabali-bali ang mga buto ha­bang nakikipag-agawan sa mga kendi na ipina­mumudmod ng isang kandidatong konsehal sa Maynila kamakalawa ng hapon.

Namatay habang gi­nagamot sa Mary Johns­ton Hospital ang bikti­mang si Dirk Pa­checo ng Kagitingan St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Traffic Management, da­kong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa panu­lukan ng Kagitingan at St. James Streets, Tondo.

Habang nangangam­panya ang kandidatong konsehal na si Peter Ong, gamit umano sa convoy ang isang mini fire truck na minamaneho ng isang “Ricky” nang maghagis umano ng mga kendi sa mga nanonood ng kampanya.

Nakipag-agawan din umano ang bata hang­gang sa hindi umano na­pansin ng fire truck ang nakayukong bata at na­sagasaan ito.

Isinugod ang biktima sa nasabing ospital su­balit masyadong napin­sala ang mga buto na nagkabali-bali kaya makalipas ang ilang oras ay idineklara itong patay.

Nangako naman ang kampo ni Ong na sasa­gutin ang gastusin sa pagpapagamot at pag­papalibing sa biktima.

Show comments