P7-milyong marijuana plants, sinunog ng PDEA
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P7 milyong halaga ng fully grown ng marijuana ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng prog rama para sa tuluyang pagbuwag sa operation nito sa lalawigan ng Cordillera.
Ayon kay PDEA director General Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang pagkakasamsam sa nasabing droga ay bunga ng mahigpit na monitoring ng kanilang tropa mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR)
Nabatid na sa unang tatlong buwan ng 2010, umabot sa 7,206 na marijuana ang nalipol ng tropa kung saan 746 dito ay fully-grown plants; 86,735 ang seedlings; 1,370 gramo ng buto; 89.23 kilos ng pinatuyong dahon na may kabuuang halagang P1.4 billion.
Giit ni Santiago, ang bilang ng nalipol nilang marijuana sa unang quarter ng 2010 ay tumaas sa 15 porsiyento kaysa sa kabuuang taon ng 2009.
- Latest
- Trending