^

Metro

16,000 pulis, 6 batalyong sundalo ikakalat sa Metro Manila

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Aabot sa 16,000 pulis at anim na batalyong sun­dalo ang idedeploy upang magbigay seguridad sa mga precints at polling centers sa iba’t ibang ba­hagi ng Metro Manila ka­ugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 10.

Ito ang nabatid kaha­pon kina NCRPO chief Di­rector­­ ­Roberto Rosales at AFP-National Capital Region Command Chief Rear Admiral Feliciano Angue matapos ilunsad ang Motorized Patrol 24/7 HOPE.

Ayon kay Rosales , magpapakalat sila ng inisyal na 12,000 pulis ka­tuwang ang mga sunda­long riders ng AFP-NCR­COM para mabigyang pro­teksyon ang gaganaping lokal at pambansang ha­lalan.

Sa panig naman ni Angue , sinabi nitong anim na batalyon o 3,000 sun­dalo ang tutulong sa pu­wersa ng pulisya para ma­pangalagaan ang HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections ).

Nabatid sa opisyal na bawat isa sa 50 checkpoint sa Metro Manila ay may 1 Squad ng mga sun­ dalo o kabuuang 12 personnel habang 24 sundalo naman ang magsa­sa­gawa ng Motorized Patrol 24/7 na da­hilan tatlong shifts ay bubuuin ng 72 sundalo.

AABOT

ANGUE

AYON

METRO MANILA

MOTORIZED PATROL

NATIONAL CAPITAL REGION COMMAND CHIEF REAR ADMIRAL FELICIANO ANGUE

ORDERLY AND PEACEFUL ELECTIONS

ROBERTO ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with