^

Metro

Manila dad umalma vs black propaganda

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Manila 3rd district  coun­cilor  at re-electionist  na si Atty. Joel Chua na isang malaking kasinungalingan ang naglabasang black pro­paganda laban sa kanya  sa pamamagitan ng mga mga posters na ikina­lat sa nasabing distrito ng lungsod.

Sa panayam kay Chua, sinabi nito na walang bata­yan ang akusasyon ng kan­yang kalaban sa  puli­tika na  kasama siya sa nag­benta sa ilang mga  national government pro­per­ties at binansagang “Buwaya ng  Maynila”.

Kabilang sa mga sina­sabing binenta ng  grupo ni Chua ay ang  Raha Soli­man High School, Meisic Po­lice Station, North Cem­etery, Aranque Market at pangangamkam sa Blu­mentritt Market.

Ayon kay Chua, impo­sible ang paninira na naka­saad sa mga poster dahil hindi pa siya konsehal nang lumitaw ang isyu hing­gil sa bentahan ng mga nasabing  lugar na pag-aari ng national go­vern­ment.

Bagama’t may hinala na siya kung sino ang may kagagawan ng  black pro­paganda, kailangan pa rin nila ang konkretong ebi­densiya at ito ay kanilang  sasampahan ng kasong libelo sa tamang  panahon.

ARANQUE MARKET

AYON

CHUA

HIGH SCHOOL

JOEL CHUA

MEISIC PO

NORTH CEM

RAHA SOLI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with