^

Metro

Non-appearance sa emission testing, talamak ulit - CCAA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Talamak na naman umano ang non-appearance sa emission testing ng mga sasakyan na ipinarerehistro sa Land Transportation Office. Ayon sa Coalition of Clean Air Advocates, noong isang taon lamang ay halos ma­wala na nang tuluyan ang non-appearance sa mga “self-regulation measures” sa tulong ng mga PETC IT Providers upang kusang malinis ang kanilang industrya.

Ngunit nang magpalabas ang dating LTO Chief Arturo Lomibao ng isang kautusan na nagpapahintulot sa IT nito na Stradcom Corporation na mag-direct con­nectivity sa mga PETCs, muli na namang dumami ang mauusok na sasakyan dahil sa Non-appearance operation ng mga tiwaling PETCs na pinapayagan ng sistema ng Stradcom.

Ayon kay Herminio Buerano Jr., presidente ng CCAA, ang pagbalewala ng Stradcom sa kanilang panawagan ay isa lamang patunay na ang Stradcom ay walang paki­alam sa mga layunin ng Clean Air Act.

AYON

CHIEF ARTURO LOMIBAO

CLEAN AIR ACT

COALITION OF CLEAN AIR ADVOCATES

HERMINIO BUERANO JR.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NGUNIT

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with