^

Metro

School director, patay sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang di­rektor ng isang vocational school matapos na pag­ba­barilin ng isa sa da­lawang armadong kalala­kihan habang ang una ay nasa loob ng kanyang sasakyan kasama ang kanyang misis sa lung­sod Quezon kamaka­lawa.

Bagama’t maraming bala ang pinakawalan ng mga suspect sa sasak­yan, isang tama lamang ng bala sa dibdib ang tumama at tumapos sa buhay ng biktimang si Alvin Asuncion, 30, di­rector sa administrative services ng Eulogio “Amang” Rodriguez Insti­tute of Science and Tech­nology (Earist), at resi­dente ng Malta St., Phase 5, Pleasant Hills Subdivision, Brgy. San Jose del Monte Bulacan.

Agad namang nagsi­pa­gtakas ang mga sus­pect sakay ng isang owner-type jeep na wa­lang plaka matapos ang pamamaril.

Nangyari ang insi­dente sa may G. Araneta Avenue malapit sa Ka­liraya St., Brgy. Tatalon ganap na alas 7:15 ng gabi. Sinasabing nasa loob na ng kanyang  Isuzu Cross­wind (XBU-800) kasama ang asa­wang si Melba at inaayos nito ang kanyang seatbelt nang biglang sumulpot ang mga suspect sakay ng nasabing jeep.

Isa sa mga suspect ang biglang bumaba ng jeep at lumapit sa sa­sakyan ng biktima saka pinagbabaril nito ang huli.

Naniniwala ang awto­ridad na tanging si Asun­cion lang ang target ng nasabing mga suspect dahil mismong ang lugar lamang nito ang pinun­tirya ng suspect sa pa­mamaril.

Ayon kay Garnace, po­sibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang ugat ng pamamaril, dahil base sa kanyang pagsi­siyasat, bago nito ay may nakaaway umano ito sa kanyang trabaho.

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

ALVIN ASUNCION

ARANETA AVENUE

BRGY

ISUZU CROSS

MALTA ST.

MONTE BULACAN

PLEASANT HILLS SUBDIVISION

RODRIGUEZ INSTI

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with