^

Metro

Paglipat sa Taguig sa mga Ampatuan, tinanggihan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matigas ngayon ang pagtanggi ng pamahala­ang lungsod ng Taguig sa paglipat kay Maguindanao masaker suspek Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr. sa Camp Bagong Diwa Jail mula sa National Bureau of Investigation detention cell.

Tinawag ni Taguig City Mayor Freddie Tinga na “clear and present danger” o malaking banta sa ka­payapaan ang paglilipat sa mga Ampatuan sa lung­sod.

Ito’y makaraang ipag-utos ng Korte Suprema ang paglilipat kay Ampa­tuan Jr. sa Camp Bagong Diwa Jail na pinamama­halaan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) saTaguig City. Ito’y dahil bagong “renovate” ang gusali kung saan naroroon na rin ang espesyal na korte na di­dinig sa kaso ng mga Am­patuan kaugnay ng ma­saker sa Maguin­danao.

Ikinatwiran naman ni Tinga na may 200 metro lamang ang Camp Bagong Diwa sa Brgy. Maharlika, isa sa pinakamalaking Mus­lim community sa bansa, na maaaring mag­dulot ng kaguluhan sa mga residente.        

Ipinaliwanag pa ni Tinga na noong 2001, sa kabila ng pagkontra nila sa pag­lilipat sa mga miyem­bro ng Abu Sayyaf na iku­long ang mga ito sa Camp Bagong Diwa ay itinuloy ito. Noong Marso 2005, isang tang­kang “jail break” ang na­ganap kung saan naging marahas at ma­dugo ang engkuwentro sa pagitan ng mga rebeldeng preso at mga pulis.

ABU SAYYAF

CAMP BAGONG DIWA

CAMP BAGONG DIWA JAIL

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPA

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with