^

Metro

'Hotline' para sa Manilenyo

-

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang anumang pag-abuso sa kapangyarihan at pag­mamalabis sa mga Ma­nilenyo, magtataguyod ng “hotline” si Manila Ma­yoralty bet Lito Atienza upang direktang maka­pag sumbong sa kanya ang mga taga-lungsod.

Ayon kay Atienza, layunin ng itatayo niyang hotline ay upang direk­tang makapagsumbong sa kanya lalo na ang mga maliliit na negosyante tulad ng vendors, pedi­cab at tricycle drivers, at iba pa.

Sa pamamagitan uma­no ng hotline ay kaagad na makakatawag o ma­kakapag-text sa kanya ang mga Mani­lenyo upang makapag­parating ng rek­lamo o sumbong.

Paliwanag pa ng al­kalde diretso na niyang makukuha at mabilis na ma­aaksyunan ang mga sumbong sa halip na du­maan pa sa kung sinong tao.

Sinabi pa ni Atienza na bukod sa mabilis na aksyon sa mga sum­bong, maiiwasan din nito ang pang aabuso kahit na ng kanyang sariling mga tauhan at maiwa­san ang pangongotong at illegal collections, pag­pa­pa­hirap at pang-aapi.

ATIENZA

AYON

LITO ATIENZA

MANILA MA

PALIWANAG

SHY

SINABI

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with