^

Metro

Number coding sa Makati, babaguhin

-

MANILA, Philippines - Papayagan na maka­biyahe sa Makati City ang mga sasakyan kahit na coding ang mga ito.

Ga­yun­man, maaari lamang silang bumiyahe sa lungsod mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon kay Makati Vice Mayor at Mayoral candidate Ernesto Mercado, ang pagbabago ng poli­siya kaugnay sa number coding ng MMDA ay bahagi ng kanyang “reform package” na ipag­kakaloob sa mga resi­dente ng Makati sakaling mahalalal bilang alkalde.

Sinabi pa nito na ma­marapatin din niyang ma­kikipagtulungan sa MMDA para na rin sa pagka­ka­roon ng maayos na daloy ng trapiko na kung saan ay matagal na ring pa­nahon na nakipag­mati­ga­san dito si Makati Mayor Jejomar Binay.

Inamin ni Mercado, naging mahigpit ang Makati sa pagpapatupad ng number coding para masigurong maiibsan ang trapik sa lungsod subalit mas lalo pa itong lumala at naging daan sa korup­syon dulot ng tiwaling traffic entorcers.

Naniniwala ito na ma­raming dapat ayusin sa pagsasaayos ng tra­piko at tiwala ito na sa mga traffic expert na mag-aaral ukol dito.

Magugunita, ang num­ber coding scheme ay unang ipinatupad noong 1995 alinsunod sa MMDA regulation na kung saan hindi maa­aring bumiyahe ang mo­to­­rista sa parti­kular na araw, base sa huling numero ng ka­nilang plaka mula alas-7 hang­gang alas-10 ng umaga at alas-3 hang­gang 7 ng gabi.

Pero, matigas ang mga opisyal ng Makati na hindi nagpatupad ng ‘window’ kaya kung coding ang sasakyan ay buong araw mo itong hindi pwe­deng idaan sa lungsod.

AYON

ERNESTO MERCADO

INAMIN

MAGUGUNITA

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI VICE MAYOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with