4 patay sa heat stroke
MANILA, Philippines - Apat katao ang naitalang nabiktima ng heat stroke bunga ng sobrang init ng panahon, sa loob ng dalawang araw sa Maynila, ayon sa Manila police.
Kabilang sa nasawi ang isang hindi nakikilalang basurero na inilarawan na 42-45 anyos, payat may taas na 5’2 talampakan na natagpuang patay sa may Ermita, Maynila.
Dakong alas-12:00 naman ng tanghali noong Lunes nang makitang patay sa Sta Cruz, Manila ang 60-anyos na pulubi na nakilala sa alyas “Tisoy”.
Isang oras lang ang pagitan, isang taxi driver na kinilalang si Ruben Saboriendo, 53, ng Binangonan Rizal ang inatake sa puso sa loob ng minamanehong taxi, dahil din sa sobrang init sa may Pres. Osmeña Highway, sa Malate, Maynila.
Bago naman tuluyang dumilim noong Lunes, isang pulubi rin na nasa edad 30 hanggang 35 anyos, ang natagpuan din patay sa may Recto Station, Sta. Cruz, Maynila.
Ito ay naganap makaraang makapagtala ang PAGASA nang pinakamainit sa Metro Manila ng 36.3 degrees Celsius.
- Latest
- Trending