Sekyu niratrat, todas
MANILA, Philippines - Butas ang mukha at binti ng isang security guard na agad nitong ikinamatay matapos na ratratin ng isang hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Valentino Racca, 33, security officer at residente ng San Francisco del Monte, Bulacan.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang salarin na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril gamit ang kalibre 45 baril.
Nangyari ang insidente sa may gate ng tinatanurang bahay ng biktima sa may 52 Kamias Road, Brgy. West Kamias sa lungsod ganap na alas-10 ng umaga.
Diumano, kabubukas pa lamang ng biktima ng gate nang biglang sumulpot ang suspect at pinagbabaril ito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.
- Latest
- Trending