^

Metro

Kelot patay sa saksak at sumpak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kasalukuyang pinag­ha­hanap ng pulisya ang apat na kalalakihang kumuyog at nakapatay sa pamamagitan ng pa­talim at baril sa isang 38 anyos na lalaking nano­nood lamang ng mga naglalaro ng pool malapit sa isang lamayan ng patay kahapon ng ma­da­ling-araw sa Parola Com­pound, Binondo, Maynila.

Patay na nang ma­ipasok sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Demetrio Buedo ng Gate 58 Area H, Parola compound sanhi ng tama ng mga saksak sa katawan at tinamong bala mula sa sumpak.

Nagmimiron sa mga naglalaro ng pool ang biktima at abala ang lahat ng tao sa paglalamay sa nakaburol na patay nang dumating ang mga sus­pek na kinabibilangan ng isang alyas Jaypee, 35, at tatlo pang di naki­lalang lalaki na pawang armado ng patalim at sumpak.

Agad binaril at kinu­yog ng saksak ang bik­tima bago mabilis na nag­sitakas ang mga suspek.

vuukle comment

AREA H

BINONDO

DEMETRIO BUEDO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JAYPEE

KASALUKUYANG

MAYNILA

NAGMIMIRON

PAROLA COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with