Junk shop ng Bise naabo
MANILA, Philippines - Naabo ang junkshop na pag-aari ng bise-alkalde ng Pateros makaraang sumiklab ang may 15 minutong sunog, kamakalawa ng gabi.
Bagaman walang nasawi o nasugatan sa insidente, tinatayang aabot sa mahigit P2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy sa apat pang kabahayan sa Musni St., Brgy Sta. Ana sa naturang munisipalidad.
Nagsimula ang sunog dakong alas-6:01 ng gabi sa loob ng junk shop na pag-aari ni Vice Mayor Jojo Sanchez sa hindi pa mabatid na dahilan. Dahil sa bilis ng paglaki ng apoy, wala halos naisalbang gamit ang walong pamilyang nawalan ng tirahan.
Tiniyak naman ng bise alkalde na tutulungan niyang makabangong muli ang mga naapektu hang pamilya na binigyan ng pansamantalang matutuluyan sa covered court ng naturang barangay.
- Latest
- Trending