^

Metro

Tauhan ng Comelec nalunod

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Trahedya ang sinapit ng dapa’t sanay masa­yang outing ng isang em­pleyado ng Commission on Elections maka­raang masawi ito nang ma­lunod sa nirentahang private pool kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Roneillo Pelino, 28-anyos, residente ng Phase 6, Ilang-Ilang Street, Camarin ng na­turang lunsod.

Sa ulat ng Caloocan police, nirentahan ng grupo ni Pelino ang pri­badong swimming pool sa Main Road, Phase 6, Camarin kama­kalawa.

Dakong alas-4 ng hapon nag-alisan na ang grupo subalit hindi na­pansin ng mga ito na hindi na nila kasama sa pag-uwi ang biktima.

Pumalit sa grupo ni Pelino ang mga miyem­bro ng Marriage Encounter religious group na siyang nakakita sa bang­kay ng biktima sa swimming pool na naging da­hilan upang itawag sa mga pulis.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAKONG

ILANG-ILANG STREET

MAIN ROAD

MARRIAGE ENCOUNTER

NAKILALA

PELINO

RONEILLO PELINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with