Hero's welcome kay Lim sa District 5

MANILA, Philippines - Hero’s welcome ang ibinigay ng libu-libong residente sa ikalimang distrito sa Maynila matapos mag-house- to-house campaign si reelectionist Mayor Alfredo S. Lim. Malayo pa lamang si Lim ay naglalabasan na ng tahanan ang mga residente na karamihan ay may mga baong camera o cellphone o di kaya ay nais lamang maka­ma­yan ang alkalde at pasalamatan. Sa Leveriza, ilang grupo ng kababaihan ang umano ay malaki ang pasasalamat kay Mayor Lim dahil sa ginawa nitong pagpapababa ng bayad sa mga doku­mento na kinukuha mula sa City Hall kagaya ng birth certificate, na umano ay may 400 por­syento ang ibinaba ang presyo sa pag-upo ni Lim bilang alkalde. “Wala kayong katalu-talo dito sa amin. Biro mo, ’yung dating P120 na birth certificate, ginawa n’yong P30 na lang,” ani Barriento kay Lim, na kanilang sinalu­bong ng masi­ga­bong palakpakan sa pagbisita nito sa kanilang lugar.  Bukod sa Leveriza, inikot din kahapon ni Lim ang ilan pang mataong lugar sa ika-5 distrito. 

Show comments