MANILA, Philippines - Aarangkada na sa Metro Manila ang mga motorcycle-riding cops at mga sundalo na lululan din ng multicab at patrol cars upang 24 oras na magsagawa ng pagpapatrulya kaugnay ng gaganaping halalan sa Metro Manila.
Sinabi ni AFP-National Capital Region Police Office (AFP-NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue, ito’y alinsunod sa kautusan ng Comelec sa AFP at PNP na palakasin pa ang police visibility sa Metro Manila upang mapigilan ang mga karahasan kaugnay ng nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Angue, partikular na babantayan ay ang mga lugar kung saan may mga naitala ng insidente ng matinding banggaan ng pulitiko at girian ng kanilang mga supporters .
Inihayag ni Angue , alinsunod sa pagsailalim nila sa kontrol ng Comelec, epektibo kahapon ay makikita na sa mga lansangan ang mga magpapatrulyang mga elemento ng militar at pulisya.