^

Metro

Nasibak na call center agent, nagbigti

- Ni udy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Ganun pala pag walang pera ang isang tao, parang basahan na di pinapansin at tinatapon lang. Sorry na nagawa ko eto, mahirap na ako. Di ko na kaya pa. Mahirap at hirap na ako na lumaban sa buhay. Eto lang tingin kong solusyon sa mga isipin at problema ko.”

Ito ang nilalalaman ng suicide note na natagpuan ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ng call center agent na sinasabing ba­ding, na nakabitin sa hag­da­nan ng kaniyang apart­ment, sa Sta. Mesa, May­nila, nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Ferdinand Navarro, 34, ng Ang Buhay St., V. Mapa, Sta.Mesa, Maynila.

Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang pagpapati­wakal ng biktima ng kan­yang lover na si John Mart, 17 na nakabigti sa puting ka­wad ng kur­yente na itinali sa baitang ng hag­danan dakong alas-11 ng tanghali.

Ayon umano kay John Mart, madalas na pawang wala sa sarili at malalim ang iniisip ni Navarro lalo na nang umuwi umano sila mula sa dinaluhang party sa San Juan City noong Huwebes ng gabi.

Sinasabing dahil sa pagka-terminate sa tra­baho bilang call center agent ang dahilan kaya namroblema ang biktima at wala na umanong ma­pag­kunan ng pera sa ka­bila ng malaking gastusin sa araw-araw at wala na rin malapitang kaibigan kaya ginawang solusyon ang pagpapakamatay.

vuukle comment

ANG BUHAY ST.

AYON

BIYERNES

ETO

FERDINAND NAVARRO

JOHN MART

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RICHARD LUMBAD

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with