Nagalit nang masingil: Bala bayad ng pulis sa landlord

MANILA, Philippines - Nasa balag ng ala­nga­nin ang isang pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) ma­tapos barilin ang kan­yang landlord na naniningil umano ng renta ng bahay, kahapon ng ma­daling-araw, sa Panda­can, Maynila.

Inatasan ni Manila Po­lice District-Gene­ral Assignment Sec­tion (MPD-GAS) chief, C/Insp. Marcelo Reyes ang kan­yang mga tauhan upang tugisin si PO1 James Patulot, dating pulis-Maynila, ng Beata St., Pandacan, Maynila ma­tapos ireklamo sa pama­maril sa biktimang si Roland Febiar, 37, may-ari ng apartment na ino­okupahan ni Patulot.

Nabatid na dakong alas-4:20 ng madaling- araw nang tiyempuhan umano ng biktima ang pulis upang pagsabihan na bakantehin na lamang ang bahay dahil sa hindi nito mabayaran ang halos 6 na buwang pag­kakaantala sa pagbayad ng renta.

Ang usapan ay nauwi sa mainitang pagtatalo   hanggang sa magbunot na umano ng service fire­arm ang suspek at pa­putukan ang biktima. Nang bumulagta ang biktima ay agad sumakay ng kaniyang motorsiklo ang suspek habang ang biktima ay isinugod ng kanyang kapatid sa Phi­lippine General Hos­pital (PGH).

Nabatid na apat na bala ang tumama sa kata­wan ng biktima, na kasalukuyang isinasa­ilalim sa surgical ope­ra­ tion. Inihahanda na ang kasong frustrated homi­cide laban sa suspek.

Base sa beripikasyon ng MPD-GAS, hindi ba­gito ang nasabing pulis na may ranggong PO1 at dating naka-assign na ito sa MPD-Special Weapon and Tactics (SWAT).

Show comments