Kotse nagliyab, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Isang empleyado ng Smart Communication Co. ang sugatan makaraang magliyab ang sinasakyan nitong kotse habang tinatahak ang Scout de Guia sa lungsod Quezon kamakalawa.
Nakilala ang nasugatan na si Bobby Baruga, nakatalaga sa adverstising company ng Smart. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Scout de Guia, Brgy. Laging handa pasado alas-5 ng hapon habang minamaneho ang kanyang dalang sasakyan German smart car (VNZ-777) nang biglang nagliyab hanggang sa tuluyang lamunin ang kabuuan nito.
Sa biglaang pagliyab ay tinamaan sa mukha si Baruga, bago pa tuluyang makalabas ito sa nasusunog na sasakyan.
Maari umanong sa electrical wiring nagsimula ang sunog dahil base sa impormasyon ay kapapa-ayos lamang ng biktima sa wiring nito nang kanya itong i-test-run.
- Latest
- Trending