^

Metro

Nagsaksak at tumalon sa gusali

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagsaksak muna ng dalawang beses sa katawan ang isang probinsyano para magpakamatay, pero agad namang naisalba ng manggagamot sa ospital, subalit sa kagustuhang tapusin ang kanyang buhay, muli itong tumalon sa ikalawang palapag ng ospital na siyang sanhi ng kanyang kamatayan, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Rene Yurag, 43, ng   Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches sa lungsod. Nabatid na bunga ng umano’y desperasyon sa buhay nang hindi makahanap ng trabaho matapos lumuwas ng Maynila galing sa Masbate ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay.

Nangyari ang insidente sa may main building ng Quezon City General Hospital sa may Seminary Road, Brgy. Bahay Toro Novaliches sa lungsod ganap na alas-12 ng tanghali.

Bago ito, ganap na alas-4 ng madaling-araw ay nagtangka nang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang dibdib at sikmura sa loob ng kanilang comfort room.

Mabilis namang itinakbo sa ospital ang biktima na agad namang nalapatan ng lunas ng mga doktor. Pero makalipas ang halos ilang oras, ay bigla itong umakyat sa bintana at tumalon.

Sa puntong ito, nagawa pang masaklolohan ang biktima na nagtamo ng labis na pinsala sa katawan at naitakbo sa emergency room para muling malapatan ng lunas ngunit binawian din ito ng buhay.

vuukle comment

BAHAY TORO NOVALICHES

BRGY

MABILIS

MASBATE

MAYNILA

NABATID

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RENE YURAG

SAUYO ROAD

SEMINARY ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with