^

Metro

Holdaper todas sa police escort

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang hini­hi­nalang holdaper-snatcher ang napatay ng isang ta­uhan ng pulisya na naka­talaga sa Camp Crame matapos mang­hablot ng kwintas sa ineeskortang VIP, ha­bang binabagtas ang ka­habaan ng Taft Avenue, Ermita, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Namatay noon din ang suspect na inilara­wan sa edad na 35, ka­tamtaman ang panga­nga­tawan, may tattoo na “Raymund Bal­yada” sa likod, habang ang isa pang suspek na ka-riding in tandem nito ay na­katakas dala ang kwintas at armas na ginamit sa panunutok.

Kinilala naman ang na­kabaril na si PO2 Jesus Salvador Jr., 29, binata, na­­katalaga sa PNP-PSPG, sa Camp Crame.

Sugatan naman at ginagamot sa Ospital ng Maynila si Juniel Guelas, 17, estudyante na tina­maan ng bala sa ka­liwang paa.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Qui­rino at Taft Avenue sa Ermita, Maynila.

Sinabi ni Salvador na sakay ito ng isang Ford F-150 kasama ang ini-escortan nitong isang VIP na nakaupo sa pas­senger seat habang ba­hagyang nakabukas ang bintana nito at naniniga­rilyo nang pagsapit sa nasabing lugar ay lapitan siya ng mga sus­pek, tinu­tukan ito ng baril at hinab­lot ang kuwintas nitong nagkakahalaga ng P50,000.

Agad namang bu­maba ang escort na si PO2 Sal­vador subalit siya ay tinu­tukan umano ng baril kaya inunahan niya itong pu­tukan.

May tama na ang sus­pek nang sumakay ito sa motorsiklo ng kaniyang ka­sama subalit hindi pa naka­lalayo ay bumagsak na ito sa kalye mula sa motorsiklo, kaya iniwan na siya ng kasamahang sus­pek.

vuukle comment

CAMP CRAME

ERMITA

FORD F

ISA

JESUS SALVADOR JR.

JUNIEL GUELAS

MAYNILA

RAYMUND BAL

SHY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with