SWS survey sa Makati, itinanggi

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Social Weather Station (SWS) Pre­sident Mahar Mangahas na nagsagawa sila ng survey para sa Makati mayoralty race.

Batay sa sulat ni Mangahas kay Makati Mayor Jejomar C. Binay, sinabi nito na wala silang  isinaga­wang  survey patungkol sa pinapaborang kandidato ng mga botante sa Makati. Aniya,  nag-isyu na rin ng pa­hayag ang SWS na itinatanggi ang pagkakaroon ng nabanggit na survey. Sinabi ni Mangahas, karaniwan na lamang ang  pagkakaroon ng mga huwad na pag-uulat tungkol sa mga survey ng SWS kapag malapit na ang panahon ng eleksiyon.  

Binatikos ni Carlo Ople, isang new media consultant na tumanggap ng text message, ang text blast sa kanyang blogsite na Juan Country. Aniya, isa itong masamang halimbawa kung paano hindi dapat gamitin ang mobile marketing sa Pilipinas. Sinabi naman ng kandidato sa pagka-alkalde na si Jejomar Erwin “Jun-Jun” Binay na ang ginawang pagta­tatwa ng SWS sa survey ay pagpapatunay sa balak ng kan­ yang mga kalaban sa magpakalat ng kasinungalingan.

Show comments