^

Metro

Buhay bayad sa utang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Buhay ang siningil na bayad ng isang miyem­bro ng kilabot na “Sigue-Sigue Sputnik” sa kan­yang kakosa matapos na magtalo tungkol sa utang ng huli sa una na hindi nababayaran sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Christian Pingol, 24, ng San Vi­cen­te St., Brgy. Dama­yan, San Francisco del Monte sa lungsod. Natukoy naman ang suspect sa panga­lang Lester na may alyas na Domingo at isa pang hindi nakikilalang lalake na ngayon ay tar­get na ng pagtugis ng pulisya.

Ayon kay PO3 Man­ue­­lito Juanson, may-hawak ng kaso, ang bik­tima at suspect na si Les­ter ay dating bilang­go sa Quezon City Jail at magkakosa sa SSS.

Bago nangyari ang pamamaslang, nagka­roon umano ng pagtatalo ang biktima at si Lester kung saan nauwi pa sa panunutok ng baril ng huli sa una dahil sa utang na hindi niya nababa­yaran.

Ganap na alas-8:30 ng gabi habang ang bik­tima at kinakasama nitong si Sellie Villanueva ay naglalakad papauwi nang harangin sila ng isang hindi nakikilalang lalake at tinangka itong saksa­kin na agad naman niyang nasangga.

Sa puntong ito, su­mul­pot si Lester na ar­mado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at big­lang pinaputukan ang biktima sa likod na na­ging dahilan ng kama­tayan nito.

Mabilis namang tu­ma­kas si Lester kasama ang kasabwat. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insi­dente.

AYON

BRGY

BUHAY

JOMAR CHRISTIAN PINGOL

QUEZON CITY JAIL

SAN FRANCISCO

SAN VI

SELLIE VILLANUEVA

SHY

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with