^

Metro

Supporters ni Lim at Atienza nagsagupa

-

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasak­tan matapos magkainitan at magpang-abot ang mga tagasuporta ng dalawang kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila sa gitna ng pagkakabit ng campaign posters sa Pandacan District, ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga na­sugatan na  sina Roldan de Guzman, 37, kapwa supporter umano ni Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Dinakip naman ang 12 kataong tagasuporta ni dating DENR Secre­tary Lito Atienza, habang pinaghahanap pa ang iba pang nagsitakas mata­pos ang pagkuyog uma­no sa mga biktima.

Ayon sa pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Qui­rino Highway malapit sa Plaza Dilao, Paco, May­nila.

Sa imbestigasyon, habang nagdidikit umano ng mga poster ang taga­suporta ni Lim ay duma­ting ang limang multicab na may sakay na hindi bababa sa 30 katao, na pawang may dalang campaign posters ni Atienza.

Pinagbabato umano ng mga tao sa multicabs ang nagdidikit na sina De Guzman at Gil sa gilid ng Quirino Highway.

Sa panig naman ni C/Insp. Rey Cocson, ng Zamora Outpost, Plaza de la Virgen, Brgy. 826 Zone 89 , tinungo nila ang kaguluhan at sinamahan sila sa MPD-GASD para sa paghahain ng kaso.

Nakatakdang sampa­han ng kasong physical injuries at damage to pro­perties ang mga nadakip. (Ludy Bermudo at Doris Franche)

vuukle comment

DE GUZMAN

DORIS FRANCHE

LITO ATIENZA

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO S

PANDACAN DISTRICT

PLAZA DILAO

QUIRINO HIGHWAY

REY COCSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with