^

Metro

Ivler inilipat na sa Quezon City jail

- Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos ang halos 3 buwang  pagkaka-con­fine sa ospital, inilipat na sa Quezon City jail ang road rage suspect na si Jason Ivler kahapon.

Si Jason Ivler, sus­pect sa pagpatay sa anak ng opisyal ng Malakan­yang na si Renato Ebarle Jr., ay inilipat sa nasabing bilangguan base sa court order na ipinalabas ni QC-RTC Branch 26 Judge Alexander Balut.

Ang paglilipat kay Ivler ay matapos na ka­tigan ng korte ang pa­hayag ng mga mangga­gamot mula sa Quirino Memorial Medical Center na hindi na umano deli­kado ang kalagayan nito para ilipat sa kulungan.

Nakasuot ng puting t-shirt at asul na shorts sakay ng Ford Explorer nang dalhin sa QC jail si Ivler, kasama ang tropa ng NBI sakay ng pito pang sasakyan ganap na alas-2:30 ng hapon.

Kasama rin sa nag­hatid ang ina ni Ivler na si Marlene Aguilar at ang attending physician nitong si Dr. Romeo Abary para matiyak ang kalagayan ng pasyente. Pasado alas-3 ng hapon nang marating ng grupo ang QC jail.

Samantala, umalma naman si Marlene sa naging desisyon ng korte hinggil sa paglilipat sa anak.

Naniniwala si Marlene na na-pressure lang ng gobyerno ang korte para magdesisyon itong ma­ilipat ang anak sa ku­lungan.

Kasabay nito, nag­banta rin ito na magsasa­gawa ng walang humpay na pagmamartsa sa buong paligid ng lungsod laban sa itinuturing niyang hindi makataong gobyerno.

Samantala, si Ivler ay makakasama ng 22 preso sa international cell ng bilangguan, malapit sa center para agad na ma-check ang mga sugat nito.

Ang selda ay may double deck na kama at common comfort room na akma lamang para ga­lawan ng 23 preso na ka­ramihan ay mga da­yuhan.

DR. ROMEO ABARY

FORD EXPLORER

IVLER

JASON IVLER

JUDGE ALEXANDER BALUT

MARLENE

MARLENE AGUILAR

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with