^

Metro

Jeepney operator niratrat, patay

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney operator  matapos na ratratin ng apat na armadong kalalakihan sa isang terminal sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Sampung tama ng bala sa katawan ang natamo ng biktimang si Nazario Reynaldo, 52, jeepney operator, at dating pangulo umano ng Pasang Masda na nakatira sa Rogna St., NIA Village, Brgy. Sauyo,  Novaliches.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nila ang ang­gulong alitan sa asosasyon ng jeepney ang motibo sa nasabing pamamaslang, dahil bago nangyari ang pamamaril ay nakakatanggap na umano ang biktima ng death threat simula ng magkaroon ng kaguluhan sa kanilang grupo.

Ayon sa ulat, nangyari ang pamamaril sa may NIA/NPC Mindanao Jeepney terminal, North Avenue, Project 6 sa lungsod ganap na alas-5:15  ng hapon.

Bago nito, nakatayo  umano ang biktima habang  hinihintay ang asawang  si Charito nang basta na lamang  sumulpot  ang apat na kalalakihan na armado ng kalibre 45 baril at agad na pinagbabaril ang una.

Nang matiyak na patay na ito ay saka uma­lis ang mga suspect at kinumander ang isang tricycle na minamaneho ng isang Lordric Palisoc at nagpahatid sa Road 13, corner Alley 13, Brgy. Pag-asa kung saan nagsipagbabaan at tumakas. (Ricky Tulipat)

AYON

BRGY

LORDRIC PALISOC

MINDANAO JEEPNEY

NAZARIO REYNALDO

NORTH AVENUE

PASANG MASDA

RICKY TULIPAT

ROGNA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with